Teaser

10 2 0
                                        

"Ma salamat!" sambit ng pinsan niyang si Conor sabay yakap sa ina nito at agad umakyat sakanyang kwarto bit-bit ang bagong biling cellphone, habang nakatingin sa bintana sa labas ng bahay ay di mapigilang mapangiti ni Christian dahil sa isip k

"Christiaaaaaan! Dalian mo diyan at magluluto pa ng pananghalian! Anu kaba! Ang kupad kupad mong kumilos! Wala kanang silbi sa pamamahay na ito!" pagtawag sakanya ng kanyang tiyahin kaya naman dali dali niyang tinapos ang pamamanlaw ng labahin. Pagpasok niya ay bigla na namang nag rap ang kanyang tiyahin at pinabayaan nalang niya ito dahil sanay na siya dahil nuon paman ay di na siya nito trinato ng maayos, sasabihan siyang walang kwenta o kung ano-ano pero siya ang gumagawa sa lahat ng gawaing bahay, gumagawa ng paraan para kumita para may matustus sa pagaaral at  ang tanging nandito lang siya at nagtitiis sa kanyang mga kamag-anak para may mauwian at matutuluyan ngunit kahit ano paman ang hirap ng buhay ay nagpapasalamat parin siya dahil alam niya sa sarili niya na may mas kaawa awa pang sitwasyon ang iba.

Pagkatapos niyang magluto ay hinanda na niya ang pananghalian saka tinawag ang kanyang pinsan at tiyahin. Gaya ng kaugalian ay di siya pinasabay kumain at sinabing pagkatapos nalamang nila dahil may dapat pa siyang tapusing. Kahit nagugutom ay di siya nagreklamo bagkos ay sinunod na lamang ang utos nito na pumunta sa palengke at bayaran ang utang nito kay mang kardeng- ang bumbay na palaging utangan ng kanyang tiyahin

Habang naglalakad papalengke ay may nakita siyang ale na paika-ika nang maglakad kaya dali dali niya itong pinuntahan at inilalayan para maayos na makatawid sa kalsada kaya pinasalamatan siya ng matanda.

"Oh ikaw pala iho" bumungad sakanya ang nakangiting si mang kardeng na parang alam na nito ang kanyang tinungo. Meron itong pwesto ng nagtitinda ng karne sa palengke at marami itong suki ng bumibili at syempre ang mangutang.

Pinaupo muna siya nito dahil meron pa itong inasikasong kustomer na kasalukuyang bumibili ng karneng baboy. Minsan naiisip ni Christian, kahit anong uri ka pa ng tao ay may purpose ka dito sa mundo, dahil katulad ng baboy na tinitingnan niya ngayon kahit sila ay hayop ay ginawa sila upang kainin at naniniwala siya na ginawa ang mga tao para kainin ang baboy kaya kahit saang anggulo siya tumingin, alam niyang may halaga ang isang tao.

"Pasensya kana iho, pinaghintay ba kita?" tanong ni mang kardeng na kasalukuyang pinupunasan  pa ang kamay.

"Hindi naman po" magalang na sagot niya

" Ay kung ganon ay mabuti" nagusap pa sila ng nagusap hanggang sa binigay na niya ang perang pambayad ng tiyahin niya at napagdesusyunang umalis na dahil gutom na talaga siya.

Habang naghihintay ng tricycle sasakyan pauwi ay may nakita siyang ginang na patawid at sa kabilang dako ay isang sasakyang mukhang nawalang ng preno at dahil likas na sa kanya ang tumulong ay di na siya nag isip pa at agad tinakbo ang ginang para itulak ito palayo at saktong pagtulak niya sa ginang ay ang pagbangga sakanya ng isang kotse.

Di niya maramdaman ang sakit o
anuman sa katawan dahil sa pagkabigla. Para siyang na paralyze dahil sa biglaang pangyayari at ayaw magreact ng body cells niya.

Bago siya mawalan ng malay ay nakita pa niya ang mga papalapit na paa ng mga tao at naririnig pa niya ang mga ingay nila

"Salamat" huling sinabi niya bago mawalan ng hininga.

Reincarnated as a Prince Where stories live. Discover now