Marxia Burgos
"Marxia! Yuhoo! Andito na ako!"
"Sandali! Kung makasigaw ka naman, ang aga aga eh!"
Dalidaling pinag buksan niya ng pinto ang kaibigang si Dax. Nakangiti naman ang kaibigan na ipinakita sa kaniya ang dala nitong plastic na supot.
Rarat ratin sana niya ng sermon ang kaibigan pero nang makita niya ang dala nito ay napangiti siya ng malapad.
" Dax! Saan ka nakakita nito?" Natutuwa niyang tanong dito sabay kuha ng dala nitong supot na naglalaman ng ilang pirasong avocado.
Nauna na siya papasok ng bahay at sumunod naman si Dax. Nagtungo siya nang kusina at inilapag sa mesa ang avocado.
" Aba, kinuha ko pa yan sa kabilang brgy, dai! Pasalamat ka may nakuhanan ako niyan. Dugo't pawis ang inalay ko diyan, makatikim ka lang niyan, juicemeh!" Maarteng sabi ng baklang si Dax. Matagal na silang magkaibigan nito. Magkababata sila noon pa at hindi na iba ang turing nila sa isat isa.
" OA mo ha? Pero salamat, magkano ba ito?" Kumuha siya ng kutsilyo at inumpisahang hiwain ang avocado.
" 200. Chos! Ok na yan, ano ka ba? Libre ko na yan sayo." Sandaling pinagmasdan siya nito. " Buti na lang napakisuyuan ko si Lando na ihanap ka niyan. My gosh, Marxia. Buti na lang mabait si Lando ko." Parang kinikilig na nangisay si Dax.
" So, dapat pala kay Lando ako mag pasalamat hindi sayo?" Nangaasar niyang sabi dito.
Si Lando ang jowa ni Dax. Magwa one year na din ang dalawa. Infairness mukhang seryoso naman si Lando sa kaibigan niya.
Minsan ay hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan.
Nakatagpo na ito ng lalaking magmamahal at tatanggap dito, samantalang siya ay ayun...zero...
" Oy, naghanap din naman ako sa ibang lugar noh? Mas mabilis lang talaga si Lando ko na maghanap kaysa sakin." Nakangusong sabi ni Dax.
Natatawang pinagmasdan niya ang kaibigang hindi halata na bakla. Matipuno kasi ang katawan nito. Mamasel ang mga braso at binti nito. At alam niya na may abs din ito. Mas malaki panga ang katawan nito kay Lando eh. Nagkakilala ang dalawa sa isang gym na pinagtatrabahuhan ni Dax bilang isang trainer.
Perfect na nga sana ito dahil may itsura din naman ito kaso nga hayun at bading naman.
Buti na lang at hindi niya ito type.
"Sige na. Makikisabi kay Lando ko, salamat." Pang aasar pa niya dito.
"Loka! Akin lang si Lando ko, noh! Pasalamat ka..." Hindi itinuloy ni Dax ang sasabihin sahalip ay iningusan siya nito. "Kundi sinabunutan na kita. Baka akala mo hindi ko nakikita ang panakaw mong tingin kay Lando ha?"
Napahalakhak naman siya.
" Oy, grabe ka ha? Wala akong gusto sa Lando mo, ok? Ikaw na papraning ka na naman." Napapa iling na naman siya dito. May pagka selosa din kasi ito.
Kinuha niya sa cabinet niya ang mga ingredient na gagamitin niya sa gagawing avocado graham float.
"Sige, mawawala lang ang pagdududa ko sayo kapag binigyan mo ako niyang gagawin mo. Ano ba yang gagawin mo?" Dumukwang pa ito sa ginagawa niya.
" Avocado graham float." Nagniningning ang mga mata niyang sabi. Inumpisahang niyang hiwain ang ibang avocado. " Nakita ko sa youtube yung video ng pag gawa. Mukhang masarap eh." Excited na siyang matikman ang gagawin. Para ngang naglalaway na siya eh.
" Ah, uso nga yan ngayon. Pero mas gusto ko yung mango graham float."
" Minsan, igagawa, kita, baks. " Kinindatan niya ang kaibigan.
YOU ARE READING
2 Die For You
RomanceMag isa na lang sa buhay si Marxia. Living alone gives her peace pero hindi maikakaila ang nararamdamang kalungkutan dala na rin ng pag iisa sa buhay. Until one stormy night, she mindlessly gave herself to a stranger. Under the influence of alcohol...
