Chapter 32 - Talak ni Viceral

170 9 5
                                        

Gulat ka noh? Gulat din ako, eh. Nag-update ang loka-loka! Anyways, basa na!

Vice's point of view:

"Sakit ng ulo ko, shet..." wika ko pagbangon ko. Anetch nangyari?

Tanging naaalala ko lang ay kausap ko si Vhong habang nainom ng alak. Pinilit ko maalala ang mga nangyari kagabi pero wala talaga. What the hell?

Hinanap ko yung phone ko at nakita ko ito sa lamesa na katabi ng kama ko na naka charge. Naka fully charged na ito kaya tinanggal ko na 'to sa saksakan.

Nakita ko naman may nag message sa akin kaya binuksan ko yun.

Pango:

Hello, Brad! Good morning, may surprise ako sayo. Sana magustuhan mo! :)

Surprise? Ano daw?

Tinignan ko paligid ko, wala naman ako nakita na nakakaiba bukod sa malinis ito. Saglit, yun ba yung sinasabi niya?

Me:

Nilinis mo condo ko?

Pango:

Ha

Anong naglinis?

Hindi ako naglinis. Ano ako, yaya mo?

Me:

Hindi naglinis? Eh 'di sino? Imposible naman ako yung naglinis dito. Lasing ako kagabi.

Hay, pinagloloko talaga ako nito ni Navarro!

Pinatay ko na lang yung cellphone ko at binalik yun sa may night stand. Tumayo naman ako tsaka pumunta sa may CR.

Tinignan ko yung sarili sa salamin. Pinagmasdan ko sarili ko.

"'Nyeta, anyare sayo bakla?" pag kausap ko sa sarili ko.

Ngayon ko lang napansin na medyo mapula pala ang mga mata ko tapos kalat make-up ko. Umiyak nanaman ba 'ko? Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa salamin.

I'm a mess.

Huminga ako ng malalim. I need to calm myself. I'm going to have a breakdown again.

Pagkatapos ko pakalmahin ang sarili ko ay ginawa ko na yung morning routine ko– morning routine daw? Hindi ko nga to ginagawa everyday. Anyways, who cares?

Binuksan ko yung cabinet at hinanap yung headband ko. Nung nahanap ko na ay nilagay ko ito sa may gilid ng lababo tsaka unti-unti tinanggal yung mga hairpin ko sa buhok. Marami ako hairpin, just in case may mantrip sa wig ko o may malakas na hangin na dumating. Mahirap na at baka makita ng mga tao agad ang liwanag. Ang tumawa, mamalasin- charot!

Matapos kong matanggal yung hairpin at yung wig ko sa ulo ko ay nilagay ko na ito sa mannequin head or basta yung ulo ng mannequin. Pagkatapos nun ay ginawa ko na yung iba kong morning rituals ko.

Paglabas ko ng kwarto ay may narinig ako na parang may nagluluto sa kusina. Nakaramdam ako ng gutom dahil dun. Pero saglit lang—sinong nagluluto?!?

Shuta, don't tell me may magnanakaw dito!?!

'Magnanakaw? Eh nagluluto nga. Tanga lang?'

May iba't iba kayang klase na magnanakaw! Yung iba nagnanakaw ng pagkain, yung iba pera, tapos meron din yung...

nagnanakaw ng puso. Charot! Corny. Pero sabagay, sino nga namang tanga na magnanakaw tapos magluluto noh? Hay.

Imposible rin naman may nakapasok na magnanakaw or kung sino dito. Mahigpit ang security dito tsaka wala naman may alam ng password ng condo ko, depende na lang kung ginamit nila yung fingerprint eh ako lang naman din may ano dun...

Sa Ngalan Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon