Come to think of it. Lahat ng bagay limitado. Lahat nagbabago. Bagay, lugar, tao, nararamdaman, pati na ang mundo. Siguro kung ano na lang ‘yong hindi nag-iiba, ‘yon ay ang nakatadhanang mangyari sa hinaharap. Kasi ‘yon nakatadhana na at wala kang magagawa para baguhin ‘yon. Liban na lang kung may kapangyarihan kang baguhin ang nakatakdang mangyari.
Then again, we can’t change what the future holds. No one can. ‘Cause in the first place, we don’t know what the future may hold.
Ang kaya ko na lang gawin ngayon ay ang magpatangay sa agos. Kahit wala pang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin nito, sasabay ako.
The next thing I did, I just raised my gaze in the ethereal and the skies had begun to uncover the moon. From that moment I begun to accept the fact that I need to depart from them in order for me to grow.
“Yian. Anong ginagawa mo diyan?” si Dhave nang makita akong nakatayo ilang dipa mula sa kanila.
“Ha?” anas ko.
Aaminin ko, naging dependent na ako sa dalawa. Sila lang kasi ang mga naging kaibigan ko simula pagkabata hanggang sa lumaki kami.
“Kanina ka pa diyan?” tanong ni Jevon.
“Hindi. Kadarating ko lang,” tugon ko at mas lumapit sa kinatatayuan nila. “Susunduin ko lang si Tatay. Lasing na naman, baka kung saan-saan na naman kakatok ng bahay ‘pag umuwing mag-isa.”
Tumawa si Dhave na sinundan naman ni Jevon.
“Oo nga e. Lahat na yata ng bahay dito sa baranggay kinatukan niya,” Dhave said in amusement. “Halika, pasok ka sa loob.” He gestured.
Pagkapasok namin sa loob agad na tumambad sa akin ang lasing na lasing kong ama sa balkonahe nila Dhave. Nag-iinuman pa rin ang mga kasama niya at siya nama’y nakatulog na at nakapatong ang ulo sa mesa. Agad ko siyang nilapitan at ginising.
“‘Tay, uwi na po tayo sa bahay. Lasing na po kayo. Galit na rin po si Nanay.”
“S-h-ino ka? Ah s-h-i Yian pa-la. Ang napakaganda kong anak,” lasing na wika niya at tumayo ito na hindi mabalanse ang katawan
Agad din namang lumapit sa akin sina Dhave at Jevon para alalayan si Tatay sa pagtayo.
“Sandali, Yian. Kami na’ng bahala,” alalay ni Jevon.
“Pa, ihahatid lang po namin si Tito Lito sa bahay nila,” ani Dhave sa tatay niya na tinanguan lang nito.
“Oh siya, sige. Kayo na maghatid. Alalayan niyo nang maigi ha,” tugon lang ni Mang Kanor at nagpatuloy ang mga ito sa pag-iinom at pagkanta.
Salamat sa dalawang lalaki sa pag-alalay nila kay tatay kahit paika-ika itong maglakad at kamuntik na matumba sa daan.
Pero ang mas nakakahiya ngayon ay ang pangungusap ni tatay sa dalawa.
“Kayong dalawa! Malaman ko lang na nililigawan niyo ang sh-i Yian, makakatikim kayo s-ha akin.”
Napapailing na lang ako sa kahihiyan. Tapos ang dalawa mahina lang na tumatawa at sinasabayan si tatay sa paglalakad nito.
“Ah, e. Hindi naman po namin nililigawan si Yian, Tito.” Sumulyap sa akin si Jevon dahil nasa harapan ko silang tatlo na paikaikang naglalakad. “Mas lalaki pa nga po siya kaysa sa amin e.”
Nginisian ko siya at sinenyasan na kunwaring babatukan. “Pinagsasabi mo diyan?”
He just mouthed ‘Bakit? Totoo naman?’. Kung puwede ko lang talagang tadyakan ‘tong kumag na ‘to. Pasalamat siya inaalalayan niya ngayon si tatay.
BINABASA MO ANG
WHEN SUMMER TURNS INTO WINTER
Teen FictionYiandra once love the beauty and warmth of summer. Never in her life she thought that she would like that season again. But one summer time when she felt complete and happy again. Could that laughter will last this time or will it fade again synchro...
