CHAPTER 8

14 0 0
                                        

[Chapter 8]

Maningning, maingay, puno ng tawanan at puno ng mga tindera't tindero at mga tindahan nito ang buong palibot ng park malapit sa kinaroroonan ng simbahan. Mga usok at mababagong amoy ng mga tindang bibingka at puto bumbong ang naamoy ni Valentine.

Buhay na buhay at punong puno ng mga taong halos mapunit na kakangiti ang mga pesngi ang pumuno ng plaza. Walang nakakapansin sa kanila dahil parang maysarisariling mundo ang lahat ng tao.

Gabi na ngunit heto si Valentine naka-upo sa swing habang dumuduyan. Inaantay niya si Manuel na bumalik mula sa pagbibili ng bibingka at puto bumbong.

Nang matapos silang mag-usap kaninang mag-usap ay napagpasiyahan nilang pumunta sa simbahan para magsimbang gabi. Bukas na kasi ang huling simbang gabi at hindi sila makakadalo kaya heto sila. Kakatapos lang ng simba at medyo natakam siya sa mga amoy ng mga kakanin kaya bibili sana siya ngunit sabi ni Manuel ay siya nalang daw at umupo nalang at maghintay dito.

Napatulala siya na lumakbay ang kanyang isip at naalala ang huling sinabi ni Manuel kaninang hapon.

“Remember this, Valentine. I will make you feel safety in my arms. I won't hurt you, anymore. Yeah, I'm a asshole back then but here i am, begging for your forgiveness. I will protect you from sorrows from now on, honey. And you can't do anything about it.”

Gustong gusto niyang maniwala sa sinabi  ng lalake ngunit heto ang isip niya, kumukuntra. Ano bang dapat niyang sundin? Nagsisimula na naman siyang umasa. Na sana, suklian naman ni Manuel ang nararamdaman niya. Ngunit paano? Ni hindi nga alam ng binata ang totoong nararamdaman niya.

Ni wala nga din siyang kaalam-alam sa buong pagkatao ni Manuel. Kung anong paborito nitong kulay? Kung may mga allergies din ba ito? Ano-ano ang paborito nitong pagkain? Ulam?

Napailing-iling siya.

Iba talaga ang naihahatid sa tao ng pag-ibig at nag-iiba din ang tingin mo sa tao kung meron nararamdaman para rito.

Dati rati ay nailibing na ni Valentine ang nararamdaman niyang ito para sa lalake at isang walang puso at masamang tao ang tingin ni kay Manuel dahil sa ginagawa nito sa kanyang sa nagdaang taon. Ngunit, anong nangyari ngayon?

Nakakatawang isipin dahil sa bilis ng panahon ang bilis din magbago si Manuel maging ang mga galaw, kung paano ito magsalita at kung paano siya tignan nito. Ibang iba. Nakakapanibago ngunit masaya siya dahil doon. Manuel totally change. Hindi niya din alam ang dahilan sa biglaang pagbabago nito. Siguro wala naman itong pinaplanong masama 'di ba?

“OMG! look, girls girls. Shock, watch this news.”

“What? Why?”

“'Yong crush mong apo ng gobernador, gaga. Manuel just revealed that he have already a wife. How come? Sino? Sino?!”

Napatingin siya sa kanyang mga katabing babae na nakaupo rin sa swing. Mukhang nagkakagulo ang tatlo. Siguro ay napanood na ng mga ito ang video na napanood niya kanina.

Napahinga siya ng malalim at sinuot ang mask na hawak hawak niya para walang makakilala sa kanya. May kung ano ang lumukob sa kanyang pagkatao dahil sa narinig niya. Natataranta siya at natatakot. Bakit kasi hindi sinabi sa kanya ni Manuel ang desisyon nito na ipahayag sa media ang katotohanan.

“O M! It's Valentine. The grandson of the past governor. How lucky she is. Kumusta na siya 'no? Ang huli kung balita sa kanya ay nang mamatay si gov. Mattias.”

Napayuko siya. Kung alam ng nila ay kakawaan siya ng mga ito. Her life was been miserable. Ngayon lang siya nakaahon. Napatigil siya sa pagkagat ng kanyang kuko nang may maalala.

Slave Of Sorrow (On-going)Where stories live. Discover now