Chapter 21

514 42 25
                                        

Pagbalik ni Steffy sa Ziver College, wala roon ang mga kaibigan at tila hindi na sila maalala ng mga binabantayan ng mga ito.

"Binura ba nila ang alaala ng mga nakakasalamuha nila sa lugar na ito?" Iiling-iling na sambit ni Steffy.

Saka naalala na pwede naman pala nilang baguhin nalang ang alaala ng mga nakakasalamuha sa lugar na ito, kaya bakit nagpakahirap pa silang magpadakip sa mga Chamnian trafficker?

Kapag talaga ninakaw na kakayahan lamang, nakakalimutan talaga. Sa dinami-rami ba naman ng mga kakayahan at kapangyarihang kinopya at ninakaw niya, matatandaan pa ba niya ang iba?

Minabuti na lamang niyang magtungo  sa Haimyr.

Pagpasok niya sa loob, pinalibutan agad siya ng mga kaibigan.

Tumalon naman agad si Aya sa kanya na agad din namang sinalo. Samantalang sumampa sa kanyang likuran si Asana na mahigpit na nakakapit sa kanyang leeg na tila takot na maiwan.

"Steffy, mabuti at nagbalik ka na. Alam mo bang malapit na akong mabagot? Sobrang sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng mga to." Pagsusumbong ni Aya na buhat-buhat na ngayon ni Steffy.

"Grabe ka naman makapagsalita liit. Hindi naman tayo palaging nagkakasama a. Kapag nagkakasama pa tayo lagi baka matagal na kaming napipikon sayo." Sagot naman ni Rujin kaya sinamaan ng tingin ni Aya.

"Yung cute na mukhang to, nakakapikon?" Sabay turo ni Aya sa mukha.

"Yung cute mong bibig ang nakakapikon. Ayos lang pag nanahimik. Kaya mabuti pang itikom mo nalang lagi ang bibig mo." Sagot naman ni Rujin.

"Tigilan niyo na nga yang bangayan niyo." Pigil ni Asana. Bago hawakan ang buhok ni Steffy.

"Bakit ganito ang buhok mo?" Tanong ni Asana. Sa pagkakatanda niya, kulay ginto ang kulot na buhok ni Steffy na may halong silver or white strand.

Saka naalala ni Steffy na hindi pala niya naibalik sa pagiging itim ang buhok niya.

" Ah, ginaya ko ang wangis ng kapatid ko. Para matandaan ni Kwetsy." Sambit ni Steffy saka ibinalik sa kulay itim ang buhok.

Si Ruhan naman kinusot-kusot ang mga mata.

"Ilan bang mukha ang meron kayo? Bakit paiba-iba kayo ng hitsura?" Tanong niya sa grupo.

May mga nilalang na kayang baguhin ang sarili ayon sa wangis na gusto nito. Ngunit kadalasan ay gumagamit sila ng magic spell kagaya ng ginawa ni Rujin o ba kaya potion na may kakayahang magpapabago ng anyo ngunit bihira lamang ang may kakayahan na baguhin ang anyo na hindi gumagamit ng magic spell o potion. At sila ay ang mga Mystic level na mga nilalang.

Sa maikling panahon niyang nakasama ang grupong ito, natuklasan niyang binabago-bago nila ang kanilang mga hitsura lalo na kapag naisipan nilang palihim na umalis at nagtutungo sa kung saan. Hindi lang iyon. Gumagamit sila ng clone pa ra siyang mananatili sa isang lugar na tila ba hindi sila nauubusan ng Tzi. Gayong ang paglikha ng clone ay isa sa mga kakayahan na madaling magpapaubos ng Tzi sa katawan.

" Marami talagang mukha ang mga to kaya wag ka ng magtaka. May mukhang anghel, may mukha ring halimaw, mukhang pagkain, at mukhang pera." Sagot ni Izumi na ikinaasim ng mukha ng mga kaibigan.

Bigla namang nagsitinginan ang mga magkakaibigan kay Steffy.

"Si Izumi may sabi noon bakit parang sa akin kayo galit?"

"Ilabas mo siya. Ilabas mo ang dating tahimik at mabait na Izumi. Hindi ako naniniwalang siya ang kaharap natin ngayon. Kakambal mo ito. Kakambal mo." Sabi naman ni Aya habang tinuturo si Izumi. Ilang sandali pa'y napangiwi dahil binitiwan siya ni Steffy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon