Unknown Message
May mga araw talaga na ang bigat sa pakiramdam natin. Hindi mo alam kung ano ang ang dahilan o kung saan nanggagaling basta ramdam mo lang ang bigat nito sa dibdib mo.
Pagmulat palang ng mga mata ko , pakiramdam ko na may mabigat na kung ano sa aking dibdib, para bang ayaw ako nitong hayaan na huminga ng maluwag.
Napabuga ako ng malakas bago napagpasyahang bumangon mula sa pagkakahiga. Tahimik ang kwarto ko kabaliktaran sa ingay na naririnig ko sa aking isipan. Punong-puno ng mga tanong na hindi ko naman mahanapan ng sagot. Wala akong ideya kung ano bang dapat, nalilito at naguguluhan ako. Nakatulugan ko na nga lang kagabi ang pag-iisip ng kung ano-ano.
Napabaling ang tingin ko sa side table malapit sa headboard ng kama ko, kumunot ang noo ko.Naka silent mode ang phone ko pero on ang vibration nito.Sino naman kaya ang ganito kaagang mangingisturobo, though hindi naman na ako tulog. Nilapitan ko iyon at kinuha nang hindi ko alam kung bakit nadidismaya ako ng malamang si Matthew ang nag-text.
“Baka naman nagtatampo lang ako?” sigaw ng isip ko.
“Tama nagtatampo lang ako!” sagot ng isang bahagi ng isip ko.
Umiling ako para pawiin ang mga isipin ko. Binuksan ko ang message niya at doon mas lalo kong naramdaman ang pagkadismaya.
Matthew: Good morning babe, sorry kagabi, hindi ako nakarating, napagod lang talaga ako.
Tinitigan ko lang ang screen, hindi malaman kung magrereply ba ako o hindi.
I am so disappointed of what happened last night!
Kasi sino ba namang hindi, your boyfriend ask you to got out for dinner but at the end he didn't show up! Damn!
He booked a dinner for two in our favorite restaurant, pambawi daw niya sa akin. Ang saya ko nun dahil, finally, may oras na siya para sa akin, pero iyong sayang naramdaman ko panandalian lang.
Dahil kalahating oras na akong naghintay sa kaniya. I look like a stupid woman inside the restaurant. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob. They're eyeing me like I'm a kind of pity kitten. Damn!
Tapos it-text niya lang ako ng “sorry, there's an emergency meeting."
I got out of the restaurant with a high held chin. I didn't want them to see me pity. Umuwi ako ng wala sa mood, hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sa relasyon namin.
Dati mahahabang mensahe ang gumigising sa akin. Ngayon wala na, simpleng good morning nalang tapos 'yun na 'yon para sa buong araw.
Pakiramdam ko napipilitan nalang siya, hindi na nagkukusa parang obligasyon nalang na i-text niya ako dahil sa girlfriend naman niya ako.
“okay, ingat” sa huli nareply ko nalang din.
I have a plan, and a piece of advice from Detective Estanol. I had to act normal.
Pero ewan ba kung normal itong inaasta ko.
“Sa opisina ka lang ba?” I added to the text.
Naghintay pa ako ng isang minuto bago nakatanggap ng reply mula sa kaniya.
“Nope, may business trip ako"he replied.
Oh business trip!
Halos matapon ko ang cellphone dahil sa biglaang pagtawag nito,kaagad ko namang sinagot ito.
“Babe! I’m sorry I forgot to tell you, papuntang Manila ako ngayon, we’re dealing with a big client” he said, parang napapa-paos ang boses.
My eyebrow raised, I tried to stop myself from mocking his voice.
YOU ARE READING
It Was You But He Was There
RomanceHindi niya sukat akalain na aabot siya sa puntong iyon-na paiimbistigahan niya ang fiance, because when she loves she gives all her trust. ALL and WHOLE- that was her, Aloha Hanastacia Kugimiya. It was her desperate move but it was the only way she...
