"Napag-usapan na namin ito ni Zyanya kagabi; we both agreed on this. Need ko ng opinion ninyo, lalo na sa inyong dalawa, Lyxeena at Luna," patuloy na sabi ni Tita. Napatingin siya sa amin ni Lyxeena. Nagkatinginan naman kami nitong katabi ko, at dahil alam na namin ang usapan nina Tita Zetian at Mommy kagabi at may decision na kami ni Lyxeena since last night, hindi na kami nagdalawang-isip na tumango.
"We are fine about it, Tita. Mukhang mas maganda pa siguro ang Pilipinas kaysa rito? I found out kasi na mababait ang mga tao roon," nakangiti kong sagot kay Tita Zetian. Tipid lang na ngumiti si Tita sa akin.
"Well, Filipinos are hospitable, so I can't argue," sang-ayon naman ni Tita, kaya napangiti naman kaming dalawa ni Lyxeena. Tama nga talaga kami; nasa Pilipinas lang talaga ang fun at peace na hinahanap namin.
"Ano rin ang opinion ninyong dalawa?" tanong naman ni Mommy kina Dad at Tito Zac.
"Well, kung saan kayo, doon naman kami, right, Zac?" sagot naman ni Dad, kaya napatango naman si Tito Zacxheus sa sinabi niya.
"Indeed..." tipid na sagot ni Tito.
Sinilip naman ni Mom si Brian. "Hijo, how about you?"
Nakayuko lang si Brian habang pinaglalaruan ang pagkain niya. Kitang-kita kong malungkot ang kapatid ko. "My life is getting better here in Italy, Mom. Recently lang ako naging Team Captain, tapos iiwan ko naman kaagad ang team ko."
"Hindi naman puwedeng ikaw lang ang maiwan dito tapos kaming lahat ay nasa Pilipinas na. Paano ka mabubuhay niyan?" pagboses naman ni Dad, kaya napabagsak ang mga balikat ni Brian.
"Marunong na rin naman akong mamuhay nang mag-isa, Dad..." walang gana niyang sagot.
"Ah... Marunong na raw maging independent itong si Brian, love. Anong masasabi mo rito?" tanong ni Dad kay Mom. Napasingkit naman ang mga mata ni Mom habang nakatingin kay Brian.
"Sige nga... Marunong ka na bang magluto?" tanong naman ni Mom kay Brian.
"Hindi, pero may maids naman tayo, eh," tugon naman ng bunso kong kapatid.
"Marunong ka na sa laundry?" dagdag pa ni Mom.
"Hindi, pero may maglalaba naman ng mga damit ko," pagrarason pa ni Brian.
"Hindi mo ba kami mamimiss?"
"Mom!" reklamo naman ni Brian dahil sa tanong ng mommy namin. He was caught off guard.
"Oh, see? Nagre-react ka na." Napaismid si Mom dahil nahuli niya si Brian, kaya napakamot na lang si Brian sa ulo niya.
"Brian, mayroon namang soccer doon sa Pilipinas," siko ni Dad sa bunso kong kapatid.
"Talaga?" Biglang lumiwanag ang mukha ng kapatid ko dahil sa narinig niya.
"Eh, ano ba ang akala mo? Nasa Italy lang ang soccer? Hello, magagaling din kaya ang mga players doon sa Pilipinas, 'di ba?" wika naman ni Dad, at nagtanguan naman sina Mom, Tita Zetian, at Tito Zacxheus sa sinabi niya.
"Well... Kung ganoon, magiging Team Captain din ba ako roon?"
"Oo naman, sabihin mong nakasali ka na sa Olympics this year sa Paris, tapos nanalo ang Italy. Ikaw ang assistant ng Team Captain ninyo that time," paliwanag naman ni Mom.
"Then, sabihin mo rin na sa team na nanalo sa Olympics ay ikaw na ang Team Captain," dagdag pa ni Dad, kaya namangha naman si Brian sa narinig niya.
Totoo naman kasi talaga ang lahat ng iyon. Hindi sa pagmamayabang, pero ang team talaga nila Brian ang nanalo sa Paris Olympics noong March. Si Brian na rin ang naging Team Captain pagkatapos ng Olympics na iyon dahil 'yung Team Captain nila ay nanirahan na sa Germany ngayon. Parang hinintay lang talaga nilang matapos ang Olympics bago sila umalis, at ngayon, si Brian naman ang aalis.
BINABASA MO ANG
My Last Request
General Fiction[ON-GOING] (ROYAL SERIES: SELENE AVANGUARDIA) Luna Amara Adelaine Derioso--everyone calls her 'Moon'. She loves the moon deeply; always keeping it with her every night, talking to it as if it listens. She is beautiful, kind, and admired by everyone...
