Kabanata 19
"Bookmark"
Hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi ng bahay nang gabing 'yon. Kung paano nagawang bitbitin ang mga paper bags na binili ko para kay Lucien, ngunit ako din pala ang mag-uuwi nito sa bahay. Hindi agad ako nakatulog agad kagabi kakaisip kung totoong nakabalik na ba siya sa kanyang panahon.
Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?
"Ate? Para kanino 'to?"
Mula sa sink kung saan abala ako sa paghuhugas ng mga plato matapos kumain ng pananghalian, nilingon ko ang kapatid ko. Nakita ko ito sa bungad ng pinto ng kusina. Kita ko ang malaking ngiti nito habang hawak sa kanyang mga kamay ang polo shirts na binili ko kahapon.
Kahit alam naman na niya nagawa niya pang itanong, marahil ay gusto lang talaga mang-asar.
Napabuntong-hinga ako, ngayon ay hindi ko alam kung saan ko na yan itatago. Hindi na rin naman na yan mababalikan ni Lucien.
Napakaimposible na... namaisuot niya 'yan... dahil imposible na siyang makabalik pa.
"Ibalik mo lang yan do'n, ibibigay ko na lang 'yan pag nagkita kami ulit." saad ko kahit walang kasiguraduhan.
Alam kong hindi magtatagal at magtatanong sina mama at Janice kung bakit isang araw ay hindi na nila makikitang dumadalaw ito sa bahay. Kung mangyari, hindi ko alam ang dapat kong sabhin. Sa maikling panahon, naging magaan rin naman ang loob nila kay Lucien.
Muli ko na lang ipinagpatuloy ang paghuhugas. Mariin kong kinukoskos ang mga plato dahil masyado madulas at mamantika.
"Sabi na, eh, meron pa ding natirang... pag-ibig."
Kumunot ang noo ko at muli itong nilingon, palabas na ito ng kusina dala ang mga damit. Pero muli ako nitong nilingon at naglagay ng ngisi sa labi. "Ako na magsasabi mahal mo pa rin, ate."
Tuluyan na akong natigilan dahil naguluhan ako sa sinabi ng kapatid ko. Nagpunas ako ng kamay at lumabas ng kusina para sundan siya. Pumasok ako ng kwarto ko, nadatnan ko ang kaptid ko na kinakalkal ang mga paper bag sa kama ko. Mahilig talaga siyang mangialam. Iniisa-isa nitong nilalabas ang mga brand new shirt.
"Wow, ang mamahal ng mga ganito." Namamangha siya habang kinikilatis ang mga damit. Nang tuluyan akong pumasok ay doon siya muling ngumiti ng nakakaloko.
"Mahal mo pa nga, ate, kasi hindi ka naman mag-aabalang bumili ng mga ganito kung hindi mo na mahal." Halos ulit-ulitin niya ang salitang mahal. Magpapaliwanag na sana ako na walang namamagitan sa amin ni Lucien, dahil ayokong bigyan nila ito ng malisya o kung ano pa man. Kaso natigilan ako nang magpatuloy ang kapatid ko.
"Picture-an ko 'to tas send ko kay Kuya Gelo."
Nilabas na ng kapatid ko ang phone niya, handa nang kunan ng mga litrato ang mga pinamili ko, bahagya pa siyang tumingin sa akin para tingnan kong ano magiging reaction ko, pero maging siya ay bahagyang nagtaka sa nakihag reaction mula sa akin. Marahil ay dahil nakatitig lang ako sa kanya na nakakunot ang noo, at hindi ko siya pinipigilan.
"Hindi mo ako pipigilan, ate?" nagtatakang tanong niya. Sa halip na sagutin siya ay kinuha ko ang mga paper bag at niligpit ito.
"Hindi naman kasi 'to para kay Gelo."
"Weh? Imposible, wala ka naman ibang kaibigang lalaki, imposible rin na ibibigay mo 'yan kay Baron o sa ibang pinsan natin." Sumingkit pa ang mata ng kapatid ko na parang hindi talaga siya naniniwala na hindi ito sa Kuya Gelo niya.
Alam naman na niyang hiwalay na kami non, bakit ko naman bibigyan pa ng regalo ang ex ko? Para ko na rin sinabi kay Gelo na pwede pa rin kami.
Kaya kahit nahihiya ay sasabihin ko na lang ang totoo. Napapikit ako at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
Captivated by the Antagonist's Heart
FantasyNew Historical fiction! Paano kaya haharapin ni Jeyda ang nakukubling hiwaga ng libro? Ano kaya ang mangyayari kung magising siya sa katayuan ng bidang babae sa kuwento? Lalo na kapag nalaman niya ang magiging kapalaran nito sa dulo. Sa pilit niyang...
