Chapter 18
***********************
Tiffany's POV
Ilang araw at ilang linggo na ang lumipas, hindi pa rin ako kinakausap at pinapansin ni Taeyeon. Ilang beses akong nagtext at chat sakanya, seenzoned lang. Sinubukan ko rin tawagan si Jessica para kamustahin si Taeyeon pero hindi rin naman nya sinasagot. Sobrang depressed ako sa nangyayari samin ngayon. And I know it's my fault! I deserve this! Huhuhu!
Nasa dorm lang ako ngayon, as usual tulala lang. Ever since Taeyeon got mad at me, lagi nalang akong mag-isa, tulala at problemado. I skipped my classes and trainings as well. I got really really distracted. Dinadahilan ko nalang na masama pakiramdam ko, pero sa totoo lang, broken hearted ako dahil sa bestfriend ko </3
*phone rings*
Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Nagmadali naman ako alamin kung sino because I am expecting na sana si Taeyeon ito...
Pero hindi...
Ang sakit talaga umasa.
Ayoko sana sagutin kaso hindi ako tinatantanan..
As usual, wala naman ibang tatawag at mangungulit saking kung hindi si Prince...
"Hello." matamlay kong sagot
"Tiffany are you okay? Wala ka nanaman kanina sa practice." sabi niya with a worried voice
"I'm fine."
"No you're not. Si Taeyeon parin ba ang dahilan? Hindi ka pa rin ba kinakausap?"
"Please I don't want to talk to anyone right now. I'm sorry.." sagot ko sa kanya dahil I'm just getting emotional kapag naalala ko ang situation namin ni Taeyeon
"Just open the door." sabi pa niya
Hindi ako umimik. Ayoko naman kasing pagtabuyan si Prince dahil siya lang ang nandito para damayan ako. I just don't feel na makipag usap at makipag interact sa kung sino dahil wala ako sa mood literally.
Pero dahil mapilit siya, no choice ako kaya binuksan ko ang pinto para papasukin siya sa dorm ko.
"I bought you some cupcakes. Para naman tumaba ka." sabi niya
Cupcakes.... naalala ko nanaman si Taeyeon.
"Alam mo Tiffany, hindi ako sanay na ganyan ka. You know andito naman ako para makausap mo. Please, cheer up." kino-comfort ako ni Prince
Hindi ko mapigilan na maging emotional kaya niyakap naman niya ako.
I feel strange nung niyakap niya ako kaya kumawala ako.
"I'm sorry, if you need a shoulder to cry on, I'm just here. I will listen. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka okay."
"Thank you Prince.. Na-guguilty kasi ako sa nagawa ko kay Taeyeon. Alam mo kasalanan ko talaga lahat to eh. Nakalimutan ko siya simula nung...."
" Nung sinabi kong liligawan na kita?" pagputol niya sa sinasabi ko
Natahimik naman ako dahil naalala ko ang gulat sa mukha ni Taeyeon nung sinabi ko sa kanya na nag-confess sakin si Prince.
"Hindi mo kailangan sisihin sarili mo Tiffany. May sarili kang buhay and not all the times, kailangan mo sabihin sa bestfriend mo ang nangyayari sayo." medyo nagulat ako sa sinabi ni Prince
"But hindi mo kasi alam yung kasunduan namin.... We're bestfriends... we're more than that.. Ugh I just can't explain! " I answered
" Best friend mo siya. Best friend ka niya. Pero kung totoong bestfriend turing niya sayo, she will truly understands you. Hindi na aabot sa ganto... " paliwanag pa ni Prince
