28 | Chapter

357 11 3
                                        

28 | CHAPTER

...

[Hazel's POV]


"Bakit 'di mo siya hinayaang magsalita?" tanong sa'kin ni Rikki.

Nasa library kami. Sinamahan ko siya dahil may hihiramin daw siyang libro.

"Hindi ko kasi alam kung kakayanin kong marinig kung anuman ang sabihin niya."

"Hindi mo kaya? Akala ko ba naka-move on ka na?" tanong niya habang hinahanap namin 'yong librong hihiramin niya

Oo at nasabi ko kay Rikki ang tungkol sa pagkikita namin ni Renz no'ng nakaraang araw.

Si Rikki lang din kasi ang nakakausap ko tungkol kay Renz kaya sa kanya lang din ako nagsasabi.

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Naka-move on naman na talaga ako, kaya lang,"

"Kaya lang ano?"

"Nang makita ko kasi siya, parang nag-flashback lahat"

"Kung gano'n, bumalik 'yong feelings mo para sa kanya? Hindi pwede!" Napatingin naman ako sa kanya, para kasing naiinis siya nang sabihin niyang hindi pwede,

"Bakit?"

"Hazel naman, nakaraan na 'yon, nand'yan na si Enzo, eh. Mahalin mo na lang siya at kalimutan mo na si Renz." Saad niya.

Mahalin ko na lang si Enzo?

Bakit parang ayoko...

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa'kin kung anong pinag-usapan niyo ni Renz?" tanong ko naman.

"Hindi nga pwede. Mas okay kung siya mismo magsabi sa 'yo. Huwag ka mag alala, wala namang problema basta hindi mo na siya mahal" ngimiti naman ulit siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Binigyan na kita ng clue! Si Enzo na lang isipin mo ngayon. Mamaya malaman ni Enzo na nagkita kayo, magselos pa 'yon" saad pa niya.

Baka magelos.

Nang mahanap na namin 'yong librong hihiranim niya ay lumabas na rin kami sa library at nagtungo sa classroom.

"Hazel si Renz," Rikki, napatingin naman ako,

Malayo pa lang kami sa room ay nakita ko na si Renz na nasa labas ng room namin. Nang makita niya kami ay agad naman siyang ngumiti sa'kin

"Sige na, kausapin mo na siya." sabi ni Rikki

"Hindi pwede,"

"Dali na!"

Nang makalapit kami kay Renz ay iniwan na ako ni Rikki at pumasok na siya sa loob.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede na ba tayong mag-usap?" nakangiti niyang tanong.

"Okay, pero saglit lang," sabi ko naman

Tapos naglakad-lakad kami habang nag-uusap

"Marami akong sasabihin, kaya baka matagalan tayo" sabi niya

"Diretsuhin mo na lang ako." sabi ko

"Pasensya ka na, alam ko namang hindi tayo dapat nag-uusap o nagkikita ng ganito, lalo na at may boyfriend ka na,"

Bigla ko namang naalala 'yong sinabi ni Enzo. 'Yong sinabi niya na ayaw niyang magkita ulit kami ni Renz.

"Tama ka. Ang totoo, ayaw ni Enzo na kausapin kita. Pero... pero kung may kailangan ka talagang sabihin, sabihin mo na agad." Sambit ko.

"Iniwan mo na lang din kasi ako noon, eh. Do'n sa rooftop. Siguro, kailangan ko rin ng mas maayos na paliwanag." Dugtong ko.

"Pagkatapos kasi ng ginawa mo hindi ka na rin nagparamdam. Hindi na kita nakita. Hindi ko rin alam kung totoo ba talagang hindi mo ginusto 'yong nangyari sating dalawa. Naisip ko na baka wala ka na talagang pake at assuming lang talaga ako." Dagdag ko.

Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng 'yon

"Sorry, kas—"

Hindi niya naituloy 'yong sinabi niya nang may kumuha sa atensyon namin, tunog ng camera at liwanag na panandaliang sumilaw sa mata namin. Hindi ako sigurado, pero parang may kumuha samin ng litrato habang nag-uusap.

"Ha—"

"Sorry, ayoko kasi ng problema, kilala mo naman si Enzo 'di ba? Siguro, next time na lang ulit tayo mag-usap." at saka ako bumalik sa classroom.

Pagdating ko doon ay pinagtinginan ako ng mga classmates ko, alam kong may mali pero ayoko na lang isipin.

"May problema," sambit ni Rikki nang lapitan ako sa pinto. Tiningnan ko naman siya.

Nakatingin siya sa phone niya, kaya napatingin din ako do'n. Nakita ko naman 'yong picture. Picture ko at ni Renz na magkasama. 'Yon 'yong nag-uusap kami, 'yong kanina.

"Hindi pwede 'to, si Enzo na naman ang kawawa. Hazel, dapat pala hindi na lang kayo nag-usap. Issue na naman!" nag-aalala niyang sambit.

Parang kanina lang pinipilit niya akong kausapin si Renz tapos ngayon nagagalit siya.

"Anong napag-usapan niyo?" Tanong ni Amanda nang umupo kami ni Rikki.

"Huwag mong sabihing nakikipagbalikan siya sa 'yo pagkatapos ng ginawa niya?" Hallie

"Don't tell me gagawin mo rin ang ginawa ni Andrea?" Stacey

"Parang nangyari na to before," Zoey

Andami na naman nilang tanong.

"Nag-usap lang kami," sabi ko naman

"So you mean... wala ka ng pake sa kanya?" Stacey

"Ha?"

"Hindi mo na mahal ang ex mo? You love Enzo, 'di ba?" Stacey

Hindi naman ako nakakibo sa sinabi ni Stacey. Sa sitwasyon namin ni Enzo, hindi ko masasabing mahal ko siya, pero gusto ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lies Between Us [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon