Ang Katotohanan ang mag papalaya sa sarili
by: Nicanor Jr Lacuarin Paña
Hi! Ako nga pala si Arfred Natividad in short Ashely, Ang pinaka magandang sirena sa balat ng dagat!.
Tara at samahan nyo ako sisirin ang aking kwento patungo sa kaibuturan ng aking tagumpay.
Bata pa lang ako kakaiba na ang nadarama ko parang Miss Universe ang Beautiness ko, Kapag wala ang tatay ko sa akin. Galit kasi si tatay sa magagandang sirena gaya ko. Minsa nga naisip ko ampon lang ako kasi iba ang pakikitungo ng tatay ko sa akin kaysa sa mga kapatid ko at mas lagi silang una. At ako lagi ang huli minsan nga sa pagbabahagi ng pagkain ay tira-tira na lang ang akin. Kaya naman nagsumikap ako at ginamit ko ang hinakit ko sa tatay ko bilang inspirasyon.
Sa pagtungtong ko sa kolehiyo pinili ko ang kursong ikaliligaya ko kahit pangit ang imahe nito sa akin o alam ko na papangit ang imahe ng kursong ito dahil sa akin.Pinili ko ang kursong seaman kahit alam ko na seawoman ako. Marami man ang nagsasabi na di daw ako bagay dyan sa kurso kong pinili at mag gupit na lang daw ako ng buhok at mag linis na lang daw ako ng kuko pero di ko sila pinapansin at pinag tatawanan ko lang sila. Ngunit nanglumo ako sa sarili ko ng marinig ko sa sarili kong ama na wala daw akong mararating dahil sa bakla ako. Nagsumikap, nag pursege at lalong nagsumikap ako para marating ang pangarap ko.
A few weeks na lang ga-graduate na ako bilang seaman. Eksaherada na ako para sa mang-yayari sa aking achivement at makakarating na rin ako sa mundong ibabaw kung saan ang mundong pinapangarap ko. Nang...
Isang araw sinugod si tatay sa ospital. di ko alam kung malulungkot ako dahil wala na akong ama o magiging masaya ako dahil wala ang taong nagpapahirap sa damdamin ko at pumipigil sa pangarap ko.
Wala akong choice na hindi bantayan si tatay. Wala si ate at kuya puros nag-asawa na lahat, si mama naman ay wala. May pagkalabag man sa sarili na bantayan sya pero obligasyon ko yun bilang mabuting anak.
Pinapakain ko si tatay ng magulat ako ng sabihin nya sa akin "Anak patawad sa nagawa ko sayong kasalanan at biglang pagharang sa mga pangarap mo anak. Patawad anak!"
Biglang tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan siguro kabayaran na ito sa kahirapang pinag-daanan ko.
Graduation Day! Si tatay ang umakyat sa intablado at nagsabit ng aking medalya at di ko alam ang tuwang nadarama.
