Wakas
"Ma! I can't continue living like this!! I want to die!" sigaw ni Grey habang nakaupo sa wheelchair.
Pinilit niyang tumayo at agad na natumba. Hindi makayanan ng ina ang nakikitang pagsuko ng anak.
"Jenny, can you please leave us?" saad ng mommy ni Grey sa therapist nito.
Nang makalabas ang therapist ay agad niyang dinaluhan ang anak. Naiiyak siyang hinawakan ang magkabiling pisngi ni Grey.
"Greyson! Anak... Please be strong. You can do it. I know you can do it." Hindi na niya matagalan ang araw-araw na makita ang anak na unti-unting nawawalan ng rason para ipagpatuloy ang buhay.
"Ma, it's my karma for being an asshole to my wife for a very long time. Ayoko na mabuhay, Ma! Ayokong maging pasanin pa ako ni Chikkie at ni Santi." Bumuhos ang luha ni Grey. Ang mommy naman nito ay hindi na talaga alam ang gagawin sa anak.
"No, no one wanted this to happen. It's an accident, anak. Please don't lose hope. Gagaling ka naman, e. It will take time pero gagaling ka, okay?" Madalas na ang pagmamakaawa nito na lumaban ang anak pero tila walang nangyayari.
Successful ang naging operasyon pero naging paralisado ang katawan ni Grey. May improvement naman ito sa tulong ng therapy pero hindi pa rin ito nakakapaglakad pa sa ngayon.
Matapos mag-breakdown ay nakatulog na si Grey. Inayos na rin ng kanyang mommy ang sarili at agad tumawag sa Pilipinas.
[How's Greyson?] Tanong ng asawa sa kabilang linya.
"Still the same. He had a breakdown again after his session." Pinilit pinatatag ni Grace ang boses para sa asawa.
Ayaw na niyang mag-alala pa ito. Pinauwi niya ang anak na si Gino para tumulong sa business nila. Ang asawa niya ngayon ang humaharap sa lahat ng problema na ikinakaharap ng kanilang kompanya.
Tinapos niya ang tawag sa asawa at tumawag naman sa magulang ni Chikkie.
"Hello, kumusta ang graduation ni Chikkie?" Napapatingin siya sa anak habang hawak ang cellphone.
[Maayos naman, nagkaroon ng kaunting handaan dito sa bahay. Kumusta na si Greyson?] Tanong ng mama ni Chikkie sa kabilang linya.
"He's getting better, don't worry..." pagsisinungaling niya.
"Once na maging okay na si Greyson, babalik na siya kay Santi at Chikkie. Kapag may problema balae, don't hesitate to call me." Laging paalala ng mommy ni Grey sa parents ni Chikkie.
Lumipas ang apat na buwan at ganun pa rin ang kondisyon ni Grey.
"Anak, please eat your food. You need energy..." Sinusubuan siya ng mommy niya na tinabig na naman niya ito.
"Ma, ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo. Ayoko na! Sumusuko na ako!" sigaw niya at tinapon ang lahat nang nahahawakan sa kama.
"Calm down, 'nak. Paano ka makakauwi sa asawa mo kung ganyan ka!? Ayaw mong kumain! Ayaw mong mag-therapy! Marami namang paraan pero ayaw mo. 'Yan ba talaga ang desisyon mo, ha!? Kung gusto mong magpakamatay, then go! Kung wala na talagang halaga ang pamilya mong nag-aantay sa 'yo, then fine! Nakakapagod 'nak na makitang unti-unti kang nauubos at wala akong magawa para sa 'yo..."
Hindi na nakayanan ng mommy niya at ito naman ngayong ang nag breakdown. Umiiyak niyang nilisan ang kwarto ng anak para magpahangin.
BINABASA MO ANG
The Invisible Wife (Arranged Series #2)
Romance[UNDER EDITING] Chikkie is a girl with unrequited love for her bestfriend, Greyson. An unexpected incident forces her to marry him. She became a mother in a very young age. She became a wife. A wife... but an invisible one. Greyson loathed his bes...
