jichangkimjajs
They called her heartless-
a woman without mercy, without fear, without love.
But they never knew the truth.
Si Aria Blackwell ay hindi ipinanganak na malamig...
ginawa siya ng mundo na ganito.
Sa likod ng kanyang eleganteng ngiti ay isang pusong winasak ng kasinungalingan, kapangyarihan, at dugo. Isang babaeng natutong mabuhay sa dilim-hindi para makatakas, kundi para maghintay.
Maghintay ng tamang oras.
Maghintay ng tamang pagkakataon.
At higit sa lahat...
maghintay para maghiganti.
Sa pagbabalik niya sa mundong sumira sa kanya, dala niya ang isang layunin-
pabagsakin ang pamilyang nagdala ng lahat ng sakit sa kanya.
Ngunit sa gitna ng kanyang plano, makikilala niya si Xavier Montclair-
isang lalaking hindi niya kayang kontrolin, hindi niya mabasa, at hindi niya dapat mahalin.
Isang lalaking maaaring maging susi sa kanyang tagumpay...
o sa kanyang pagkawasak.
Sa mundong pinaghaharian ng politika, kasinungalingan, at kapangyarihan-
walang lugar ang pag-ibig.
Pero paano kung ang babaeng walang puso...
siya pa ang unang masaktan?
At kapag dumating ang sandaling iyon-
pipiliin ba niya ang paghihiganti?
O ang lalaking unti-unting bumabasag sa kanyang malamig na mundo?
She came back...
colder, crueler, and far more dangerous than they ever imagined.
Hindi siya bumalik para magmahal.
Hindi siya bumalik para magpatawad.
Bumalik siya para tapusin ang lahat.
Sa bawat ngiti niya ay may nakatagong kapahamakan.
Sa bawat hakbang niya ay may isang buhay na mawawala.
She doesn't rush her revenge-
she makes them suffer... slowly.
Pinapanood niya kung paano sila matakot.
Kung paano sila mawalan.
Kung paano sila unti-unting masira-
katulad ng ginawa nila sa kanya.
Sa mundong ginagalawan niya,
walang inosente. Walang ligtas.