Chapter 58

19 0 0
                                        

Magaan ang simoy ng hangin habang tinatahak nina Hale at Seraphim ang mahabang kalsadang patungo sa Quezon. Sa bawat tanaw ng mga palayan, bundok, at malalawak na taniman, dama ni Seraphim ang kapayapaang matagal na niyang hinahanap. Nasa likod siya ng motor ni Hale, nakayakap habang tahimik na pinagmamasdan ang dumadaang tanawin.

"Malapit na tayo," sabi ni Hale, sumisilip sa likod para makita ang ngiti ng dalaga.

Tumango si Seraphim, ngumiti rin. "Ang tahimik dito parang ibang mundo."

Nang makarating sila sa bahay ng lola ni Hale isang simpleng bahay na gawa sa kahoy at may malawak na bakuran agad silang sinalubong ng mga aso at ng matandang babae na agad niyakap si Hale.

"Apo! Sa wakas, napabisita ka rin!," Masiglang bati ng lola.

"Lo, si Seraphim po," pakilala ni Hale habang humawak sa kamay ng dalaga.

Yumuko si Seraphim bilang paggalang. "Magandang hapon po, Lola."

"Ang ganda mo naman, hija. Halika't pumasok kayo. May inihanda akong merienda."

Sa loob ng bahay ay amoy ang nilulutong suman at mainit na tsaa. Umupo sila sa may bintana kung saan tanaw ang mga punong niyog at taniman ng gulay. Habang kumakain, nagsimula ang masayang kwentuhan tungkol sa pagkabata ni Hale, sa mga kalokohan niya noon, at sa mga araw na tumatakbo siya sa bukid kasama ang mga pinsan niya.

Kinagabihan, sabay silang lumabas ng bahay at tumambay sa duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga. Tahimik ang gabi, tanging tunog ng kuliglig at ihip ng hangin ang maririnig. Sumandal si Seraphim kay Hale habang nakatingin sa mga bituin.

"Ang sarap dito para kang napapalibutan ng yakap ng kalikasan," mahina niyang sabi.

"Kung gusto mo, balang araw, magpatayo tayo ng maliit na bahay dito," sagot ni Hale, hinawakan ang kamay ni Seraphim.

Napatingin si Seraphim sa kanya. "Kasama ka, kahit saan. Kahit probinsya, basta ikaw."

Ngumiti si Hale, at marahang hinalikan sa noo ang dalaga. Sa gitna ng katahimikan at liwanag ng buwan, alam nilang kahit saglit, natagpuan nila ang tahimik na kaligayahan sa probinsya—malayo sa gulo ng siyudad, malapit sa puso ng isa't isa.

Habang nakaupo pa rin sila sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga, marahang binitiwan ni Seraphim ang isang mensaheng matagal na palang itinatago.

"Hale... hindi mo ba alam, dito rin ako pinalaki sa probinsya ng Quezon. Pero sa ibang part lang," ani Seraphim, habang pinagmamasdan ang malalayong ilaw sa may kalsada.

Napalingon si Hale, tila nagulat. "Talaga? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Napangiti si Seraphim, bahagyang nahihiya. "Ewan. Siguro kasi parang matagal na 'kong nahiwalay dito. Parang ibang buhay na siya. Pero ngayong nandito tayo, biglang bumalik lahat ng alaala."

"Anong klaseng alaala?," tanong ni Hale, habang marahang hinihimas ang likod ng kamay ni Seraphim.

"Yung mga araw na tumatakbo kami ng kapatid ko sa palayan, yung amoy ng bagong ani, yung tunog ng kuliglig tuwing gabi, at yung pakiramdam na kahit mahirap, buo ang pamilya" Saglit siyang tumigil, huminga nang malalim. "Pero unti-unti rin iyong nawala. Kaya lumipat kami sa Maynila."

Tahimik si Hale, pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ng dalaga. "Ang dami mong pinagdaanan, Pero andito ka pa rin... matatag, matalino, at higit sa lahat palaban."

"At andito ka rin," bulong ni Seraphim. "Hindi na ganun kabigat ang lahat."

Ngumiti si Hale at hinila siya palapit, niyakap habang nakasandal sila sa duyan. Sa malamig na simoy ng hangin at mga bituing saksi sa mga kwento ng kanilang nakaraan, natagpuan nila ang isang mas malalim na koneksyon hindi lang sa isa't isa, kundi sa lugar na pareho pala nilang tinatawag na tahanan.

Me and My Five Popular Hot Guy Book 2Where stories live. Discover now