Chapter 6

32 6 0
                                        

Party




jklopez_
Date?
What are you talking about?


Pagbukas ko ng cellphone ko ay ayan ang bumungad sa 'kin.



Ginawa ko muna ang morning routine ko bago ko siya nireply.




zarra.gilio
You gave me a sticky note letter yesterday, right?
You're asking kung p'wede mo ba akong maging i-date.



S-in-een niya lang ako. Lakas ng hiya nitong i-seen ako. I-block ko kaya 'to.


After 5 minutes he replied.


jklopez_
Okay. I'll pick you up around 5PM.
See you, my date! 😉




I just reacted on his message. Tinabi ko muna ang cellphone ko at inilibot ang paningin sa k'warto ko. Mukhang kailangan ng linis ng k'warto ko ngayon ah.




Bumaba muna ako para mag breakfast and I decided to clean my room. Maghahanap na rin ako ng puwedeng masuot mamaya. May mga dresses naman ako dyang bigay ni Daddy. Hindi ko nga lang nasusuot.



Inumpisahan kong linisin ang bathroom dahil iyon ang mabilis linisin. Sinunod ko ang mga damit ko dahil sabog sabog na ito. Inayos ko ang pagkakahunger at pagkakatupi ng iilan, pinili ko rin ang iilang mga damit na hindi ko na nasusuot. P'wede ko itong ipamigay sa nangangailangan. Kanino ko naman ito ibibigay?


Napangiti ako ng maisip kung kanino ko p'wede ipamigay ang mga ito.



Binuksan ko ang isang drawer na naglalaman ng mga damit na bibihira ko lamang suotin. May iilang dresses na nakasampay, karamihan sa kulay ay itim. Kinuha ko ang mga ito at pinilian din. Hindi ko naman nasusuot. Nagsisiliitan lamang ito rito. Pumili na rin ako ng susuotin ko para mamaya. 



Nilagay ko ito sa karton at ginilid muna. Pinagpapawisan na ako. Nakakapagod. Pero kailangang tiisin dahil ayoko naman ipalinis ito kay Manang. Ayoko kasing may ibang humahawak sa gamit ko.



Pagkatapos palitan ang bedsheets ay lumabas muna ako para itapon ang mga duming nakuha sa loob ng kwarto ko.



"I need money, Hon." rinig ko galing sa baba. "Ang daming bayarin ni Ava sa eskuwelahan." Dagdag niya pa.


Binagalan ko pa ang paglalakad ko. Si Daddy ata ang kausap niya.



"Oo! Kahit tanungin mo pa ang anak mo," inis niyang sabi. Sinong anak? Ako?



Dinadamay niya pa ang iba makahingi lang siya ng pera. Sa pagkaka-alala ko kakabigay lang ng pera ni Daddy sakaniya last Sunday. Friday palang at ubos na agad ang pera niya? Ano bang pinaggagagawa niya sa pera?


Puro waldas ng pera. Hindi niya ba alam na ang daming naghihirap dahil sa kakulangan ng pera? Hindi na nga ako humingi sakaniya dahil kulang din naman ang binibigay niya sa 'kin. Nagtitiis akong magtrabaho para lang matapos ang taong 'to.




Dumeretso na ako sa labas ng bahay at hindi na pinakinggan ang mga sinasabi ni Tita. Puro lang naman pera 'yon.




Ginilid ko lamang ang plastic na hawak ko at iniwan sa may gilid.  Si Mang Teddy na ang bahalang mag bigay non sa nag iikot na truck ng basura.



Bumalik ako sa kuwarto ko at naglinis ng katawan. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer at sumalampak sa kama. Napatingin ako sa kisame.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dos Fuente #1: When Will I Be Enough Where stories live. Discover now