A/N: Eto yung naaalala ni Kay
KAY-KAY
Ang lungkot pala magisa. Kahit si mama hindi na ako nilalaro. Si papa umalis na. Kaya eto ako ngayon sa may playground ng village namin. Tinuturuan naman si Ivan ng teacher ata nila 'yon. Tapos si Aki nasa Maynila.
Lungkot na lungkot ako sa swing habang mahinang nagduduyan magisa nung may nakita akong bata na mukhang mas matanda sakin kasi mas matangkad sya e. Bigla naman akong napatayo sa swing at patakbong lumapit sa bata
"Bataaaa!" sabi ko habang tumatakbo pa din papunta sa kanya
"Bata, Laro tayo!" masiglang sabi ko sa kanya. Taka naman nya akong tinignan siguro kasi akala nya walang batang naglalaro dito
"Baste ang pangalan ko" masungit na sabi nya.
"O edi Baste" masungit kong sabi sa kanya
"Ako si Kay-kay. Tara na" at nagunahan na kami papunta sa Slide
Masaya kaming naglalaro. Nasabi nya sakin na may kasama daw syang bodyguard dahil ayaw pumayag na magisa lang sya sa paglalaro.
"Baste habol!" sabi ko habang nakatingin sa kanya dahil sya ang taya. Pero hindi ko alam na nakapunta na pala ako sa daan at may papalapit na kotse sa'kin
"KAY-KAY!" nadinig kong sigaw ni Baste. Napapikit nalang ako dahil akala ko 'yun na ang katapusan ko.
Akala ko patay na ako pero nakita kong nasa gilid na ako ng kalsada at si Baste. Nanginginig pa rin ako sa sobrang takot dahil sa mga nangyari
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Baste. Napansin ata niya na hindi ako sumasagot kaya tinignan nya nang maigi kung may sugat ba ako.
Nang makita niyang wala namang malalang sugat bukod sa mga galos at gasgas ay inalalayan niya akong tumayo ngunit laking gulat niya na lamang nung nakita niya akong umiiyak nang tahimik at nanginginig na para bang nilalamig
"Kay, you're already safe. Stop crying. Let's go home and clean your wound" sabay turo sa gasgas nila sa kanilang mga tuhod
Noong naglalakad na kami pauwi doon lang namin nakitang may humahangos na mga babae na parang yaya at isang lalaking nakapang pulis
"Young master!" humahangos at nagaalala nilang tawag siguro kay Baste. kasi siya lang naman kasama ko rito e
"Okay lang po ba kayo, Young master? Wala pong masakit sainyo? Halina po kayo at delikado po talaga rito sa village" nagaalalang sabi nung medyo mapayat at mukhang bata pa na yaya niya
"No worries, yaya. I'm fine" nakangiting sabi ni Baste ngunit napawi 'yon noong napatingjn s'ya sa'kin
"But kay-kay" malungkot at worried na sabi ni Baste habang hawak ako na patuloy pa ring umiiyak nang tahimik
Agad naman kaming inalalayan papunta doon sa medyo tapat lang na bahay noong park na pinagtatakbuhanan namin. Malaki siya at maganda. Unang tingin palang, malalaman na talaga na isang mayaman ang may ari.
Noong makapasok kami nakita ko na ang daming fish sa salamin. Gusto ko sana tignan ngunit unti-unti ko na nararamdaman ang sakit ng sugat ko sa tuhod. Kumalma na rin ako at huminto sa pag-iyak
YOU ARE READING
Ms. Virago of Section IV
Teen FictionAkizhia Kylle Villarta or Kay-Kay. Anak sa labas, basagulerang babae, hindi tanggap ng kamag-anak at pilit na inaayos ang buhay. Nilipat sya sa school ng Pinsan nya dahil baka sakaling tumino. Titino kaya sya kung mapunta sya sa WORST SECTION EVER...
