ArliePrrty24
Sa isang simpleng probinsya nagsimula ang lahat-mga batang naglalaro ng bahay-bahayan, naghahabulan sa ilalim ng araw, at nag-eespadahan gamit ang kahoy. Doon unang nakilala ni Mira si Reo , ang batang palaging kasama nya noon sa paglalaro.
Habang tumatanda, kasabay ding lumalim ang damdaming pilit nilang itinatago. Ngunit hindi naging madali ang lahat nang unti-unting magbago ang mundo nila may mga bagong taong dumating, mga pusong nasaktan, at mga relasyong nasubok. Lalo na nang magkaroon din ng damdamin si Rein, kapatid ni Reo , kay Mira.
Sa pagitan ng pagkakaibigan, pamilya, at pag-ibig, hanggang saan nila kayang ipaglaban ang nararamdaman?
Minsan, may mga taong mahal natin... pero hindi talaga natin kayang panatilihin.