curlypatty217
So ito nga ang story description, may isang babaeng na nag nga-ngalang Princess Mae Dimagiba Catacutan kahit mala disney princess ang pangalan niyang princess ay kabaliktaran din ito ng personality at istura niya. Bukod sa pagkahilig sa mga larong katulad ng pogs at tex nung bata siya, mahilig din siyang mag gitara at tumambay sa comshop kasama ang maasim nyang feeling pakboy na tropa, hindi lang yan ang kaya nyang gawin kaya niya din makipag suntukan sa mga kalabang frat sa dati nyang school dahil siya ang leader ng pinaka dilekadong frat sa old school niya. At dahil dun ilang besses na siyang na guidance, kaya naman umabot na sa puntong na kick out na siya.
May rason din kung bakit ganon siya katigas, ikaw ba naman lumaki sa bahay na puro lalaki ang nakatira. Retired Army kasi ang tatay niya at ang 4 na kuya niya naman ay nag ta-take ng criminology at marines, iniwan na kasi sila ng mama niya pagkatapos niyang ipinanganak at sumama na sa ibang lalaki. Kaya naman bata palang namulat na siya sa mga gawain at kilos lakaki, kaso nagbago ang lahat nang ma transfer siya sa bago nyang school.
Nakilala niya ang isang binatang magpapalambot sa isang tombits na si princess, kaya naman tutukan niyo ang story ng isang tomboy at isang rich playboy.