Bb-Tagasulat
Ito ay isang karaniwang kwento -walang halong kamandag ng malalang plot twists.
Si Sage Pretty Sy ay isang normal na 18 year old teenager. Normal in the sense na nanggugulpi siya ng mga siga at bully, memoryado lahat ng sikat na rapper sa loob at labas ng Pilipinas, ayaw sa mga lalake pero may tatlong crush na babae, Taekwondo player, Student Council Vice President (ewan papaano nangyari 'yun), Aspiring rapper, harsh magsalita, limang beses pa umiyak sa tanang buhay niya, may tatay na Millenial Wanna Be at Kuya na sa sobrang talino eh napagkakamalang mentally challenged.
Oo nga pala, may kaibigan rin siyang lampa.
Si Jose Balbacua Lee ay isang normal na 18 year old teenager. Normal in the sense na takot siya sa mga siga at bully (kahit mas matangkad pa siya sa mga ito), memoryado lahat ng libro sa loob at labas ng Pilipinas, takot sa mga lalake at ayaw sa mga babae, Swimming Team Captain, Student Council President (ewan papaano nangyari 'yun), KDRAMA addict, sobrang soft-spoken, limang bilyong beses na umiyak sa tanang buhay niya, may Tatay na Lawyer at Ate na sobrang ganda eh napagkakamalang Diyosa.
At Oo, may kaibigan rin siyang siga.
So ayun, ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagkakaibigan ni Siga at Lampa na tumagal ng 13 taon... and counting.
Ngayong Grade 12 student na sila sa St. Luke Academy, may magbabago nga ba?