polared_
"Sa Dominion University, hindi sapat ang matatalino at talentado. Dito, ang labanan ay hindi natatapos sa pataasan ng grado-ito ay laban para sa Paghahari."
Kinikilala ang Dominion University bilang pinakaprestihiyosong unibersidad sa bansa, hindi lang dahil sa husay, kundi dahil sa kakaibang sistema nito. Dito naghahari ang Elite Five-ang limang lalaking kinikilala bilang pinakamagaling sa kani-kanilang larangan: Band, Academics, Leadership, Creative, at Athletics.
Sila ang batas. Sila ang sinusunod. At ayon sa nakasanayan, "Lalaki ang laging aabante."
Ngunit paano kung ang nakasanayang sistema ay biglang magbago? Paano kung dumating ang oras na "Babae naman ang aabante" para sa unang posisyon?
Ito ang hamon na dala ni Redaux. Pagpasok niya sa Dominion University, isa lang ang target niya: ang agawin ang puwesto ng pagiging leader ng banda.
Pero sa harap ng isang lalaking hawak ang buong industriya ng musika, kakayanin ba niyang basagin ang pader na nakaharang? O siya ang tuluyang malulunod sa laro ng Hari ng entablado?
#Alrightreserved
#Nocopyrigjt
#Notoplagiarism