PlumaNiNicole
Si Elena ay isang simpleng dalaga na nabubuhay sa makabagong panahon-walang alam sa lihim ng nakaraan at lalong walang ideya sa mundong hindi pa niya nararanasan.
Ngunit isang araw, isang matanda babae ang nagbigay sa kanya ng hibla ng lumang papel may nakasulat na babalang tila para sa kanya:
"Hangga't maaari, binibini, huwag kang iibig sa lalaking pakakasalan ng iyong kapatid."
Hindi niya man maintindihan, tila may kakaibang hatak ang mensahe. Hanggang sa isang iglap, siya'y nahilo, nawalan ng malay...
At nang siya'y muling dumilat, wala na siya sa panahong kanyang kinagisnan.
Taong 1872.
Sa gitna ng isang mundong puno ng lihim at mga matang nagmamasid, tinatawag na siya sa pangalang hindi kanya-
Señorita Elenita.
Isang bagong buhay. Isang bagong pagkatao. At isang tadhanang tila matagal nang naghihintay sa kanyang pagdating.
Ngunit sa panahong hindi kanya, may isang bagay na hindi niya maaaring balewalain-ang babalang nakasulat sa papel na nagdala sa kanya roon.
Dahil sa mundong ito, may isang lalaking hindi niya dapat mahalin...
Sa pagitan ng puso at tadhana, kakayanin kaya ni Elena na sundin ang babala-
o hahayaang manaig ang pag-ibig kahit alam niyang may kapalit ito?